Eto na Sarado na ang tindahan, pero tol alam mo ba na bago ko narating tong oras na to eh marami na ko tao nakausap at minsan nakaaway pa nga... minsan di rin maiwasan mambola at makipagkwentuhan sa ibang kakilala. Minsan may nagtatanong na hindi taga rito naghahanap ng bahay ng kung sino. At habang lumalakad ang oras ay kumikita ka kahit paano dahil nga sa mga paninda na binebaenta... Mahirap din ang ganitong trabaho nakakapagod at para ka na rin nakakulong sa selda na ikaw mismo ang gumawa, gustuhin mo mang tumakas ikaw din ang kusang babalik sa hawla na di mo maiwanan ng matagal. Akala ng iba parang simple lang din ang magpatakbo ng isang raket na ganito pero ang hindi alam ng marami totoo na nakaka-stress at araw-araw nga ang ganito, sabi nga nila sa office "burn out" after eight working hours... pero sa case ko more than 15 hours ang duty at minsan wala pang shifting... kain lang ang pahinga at sa banyo-apurahan pa!
Hindi lang sa pagtitinda natatapos kundi kailangan mo rin mamili ng kapalit ng nabenta para sa pag-ikot ng negosyo as all we know yun naman talaga ng principle ng buy and sell di ba.. buti nalang din may mga ahente to visit your place para hatid ang paninda na kailangan sa store mo.
Pagdating nga ganitong gabi kailangan mo rin magbilang ng mga barya mo sa maghapon para naman aware sa kinita mo o kung may nagbayad ba ng utang o magkano ang dapat na ilaan para sa kinabukasan.... Eto ang sa tingin ko ang importante.... at the end of each day you have your pride na atleast wala kang amo na nag-uutos sa iyo. Worth din naman at hindi degrading ang ganitong trabaho...
No comments:
Post a Comment