Thursday, October 29, 2009

Pagtitirik ko sila ng kandila



silang mapanlamang sa kapwa,
mga nangunguha ng walang paalam,
nagungupahan ng walang bayaran,
mga hindi nagbabayad ng utang,
mga di masingil sila pa ang mayabang,
mga manloloko at mapanlinlang,
silang mga likas na maguggulang,
nangagngako na magsasauli ng kanilang nahiram,
mga taong walang pakundangan,
malahayop na mananakop ng lupang hindi pinagpaguran,
mga amo na hindi tama ang pasuweldo sa naninilbihan,
mga nilalalang na hindi marunong maglaan,
mga uri ng bwitre na kumakain ng laman,
mga linta na sukat simutin ang dugo ng katawan,
nakapoder na grabe magnakaw at garapalan,
mga mandurugas sa kaban ng bayan,
mga buwaya sa gobyerno at lipunan,

silang mga mandarambong at maninikwat sa pamahalaan,
Sila ang mga zombie na buhay pa at patuloy ang paglaboy-laboy sa sanlibutan....









SILANG LAHAT!

IPAGTITIRIK KO SILA NG KANDILA!!!!


No comments:

Post a Comment