Saturday, October 3, 2009

Shop

Nasa Hong kong si Michelle noon ( Ang asawa ko) nagtrabaho sya sa uncle nya.. almost 2 years din sya bago umuwi for good dito sa Pilipinas. Pero during the time na nandoon sya katulad ng karamihan na nasa ibang bansa communication is very important kaya naman by any means ginagawa para makausap ang family...So that time Iam Zero knowledge about the internet at wala talgang alam sa computer. It was june of 2006 surprisingly na may dumating na message through text...ino-offer ako ng Smart Bro na maging isa sa mga PILOT o test subscriber sa boung Pampanga na ang alam ko 15 persons lang kami sa ibat ibang area.. later on dumami na at successfully nag-boost ang internet addiction at all age levels basta marunong mag-click ng mouse... so nag-avail ako para atleast makausap ko with video ang misis via messenger.... Noon I have no intention para pagkakitaan (ang internet)what so ever.



At first bundle ang ibinigay ng Smart Bro, isang set ng Pc na gumagana na with internet connection P2,800.00 monthly locked- in period of 12months. Pero as operation continues para bang nanghihinayang ako sa laki ng bills ko kung hindi ko ito mapapakinabangan... that time I decided na ipa-rent na ang computer station, mataas pa ang per hour noon P35.00 kaya kahit isa lang ang unit ko noon kumikita rin usually ng P300.00 daily. Then after couple of months para bang tumataas ang demand dumadami ang custumer kaya nag -add ako ng isa pang PC which 2nd hand from my friend Jaydie worth P15,000.00 cash na binayaran ko sa kanya. One important thing na nangyari ay noong makilala ko si Rommel na naging technician ko sa internet operation- sya ang naging sandalan ko everytime na may problem sa mga PC... with compensation P350.00 per visit para sa maintainance ng crosssover pa ang network ko noon internet sharing pa noon sa 2 PC. The next month parang di nako mapalagay, naghahanap na ko ng mga lumang PC para pang dagdag sa mga unit ko , I am gaining interest with the internet cafe business... so nandyan na magpunta ko sa iba-ibang seminar ng smart bro to give some motivation to those new subscriver para mag-avail din sa promo nila hoping na mabigyan uli ko ng isa pang slot pero di naman nila ko pinagbigyan kaya my last resort is to build my own PC with the help of my technician sya ang naglagay ng specs. and assembled it.. that way nadagdagan ng isa pa ng mga unit ko...On semptember of the same year naglakas loob na ako na ang mag-assemble ng PC ko using my short experience gained on my short duration of operation-swerte namn at gumana. Naging matipid ako sa lahat, iniipon ko talaga lahat ng kinikita ng shop hanggang sa nakompleto ko ang 10 sets of computer station. hindi pa ko nasiyahan kaya kumuha pa ko ng mga units the next year 2007 pero this time all units are brand new payable in 6 months sa lending- 5 months pa lang bayad ko na sya.

As of now i have 21 units including the server- currently i am upgrading the crt monitors to LCD's para mas competitive because i have my counterpart na d2 maga nanggaya ba- dahil ako naman talaga ang nag-stablised dito sa area namin. Wala na kong Technician sa ngayon- ako na ang gumagawa lahat at tumatanggap na rin ako ng on-site at home srvice repairs ng computers.

Close friend ko na si Rommel, di na rin sya nagpapabayad pag may questions ako sa kanya regarding PC matters. Last quarter of the year is about to start... malapit na ang Holiday seasons maganda nanaman ang Aura ng mga business.

My plan is still way ahead... marami pa ko gusto para sa expansion... Smooth naman ang operation kahit kahit may kahati na sa mga client pero di naman ako patatalo.. I have my promo so hindi ko kailangan magbaba ng per hour para hindi degraded ang pride bilang operator. I am happy of what I am doing.. excited pa nga ako pag iniisip ang pwede pang development ng aking SHOP.







No comments:

Post a Comment