Thursday, February 24, 2011

Dalangin ko sa Ama!

Paningoon Dios, nagbabalik po ang iyong alipin… Walang sawa akong humihingi ng tulong sa iyo, Patuloy kong inilalalpit ang kalagayan ng aking munting bunso, maawa ka po Ama sa kanya, ibsan ang paghihirap na kanyang nararanasan, ibigay mo na po ang kagalingan sa kanyang karamdaman. Ama nakikisuyo po ako sa iyo bilang kanyang ama, lumalapit po ako ng taimtim sa iyo taglay ko ang pananampalataya na ikaw ang dakilang mangagamot na magbibibgay lunas sa kalagayan ng aking anak. Malunos ka na po Ama, naglalambing ako sa iyo Ama na sana kung maari dalawain mo ang aking anak, tunghayan mo po siya at haplusin mo ng iyong mapagpalang kamay, yakapin mo po ng mahigpit upang madama niya ang pagmamahal na hindi pa namin naipamamalas ng sa kanya… Amang Dios Paulit-ulit ko pong makikiusap sa iyo- Iregalo mo na po sa amin ang buhay niya. Nangangako naman po ako na ako’y magbabagong buhay at hindi tatalikod sa iyo, palalakihin ko po siyang mananamplataya, may banal na takot sa iyo at makakasama namin na ipagpapatuloy ang pagpupuri sa iyong banal na pangalan. Nagkasala po at nagkulang ako sa iyo, Ama huwag pong madamay ang aking anak sa parusa na ako dapat ang magpasan, Oh Dios na nasa langit kinikilala ko po ang aking mga pagsalansang, maawa ka po na patawarin mo na ako sa lahat ng aking pagkukulang, upang mawala na po ang mga hadlang sa masigla ko ng pagpupuri sa iyong dakilang pangalan… Panginoong Jesus, ikaw po ang luklukan ng biyaya at awa, ikaw po ang pinakamalapit sa ating Ama. Maawa ka po na ipamagitan mo ang ang aking mga dalangin sa kanya. Panginoon sabihin mo po sa Ama Ang aking mga kahilingan, ang Buhay ng aking anak. Iligtas po ang aking Anak , maawa ka po Panginoon… Amang Dios Ang lahat po ng aking Daing ay aking sinsampalatayan ipagkakaloob mo sa akin, naway hindi po ako nakalalabag sa iyong kalooban. Idagadag mo po sa akin ang lakas ng loob at tibay ng pananampalataya, matagalan pa ang mga tiisin at mapagtagumpayan ko ang mga pagsubok pang darating… Ang lahat po Ama ay aking hinihiling sa pangalan po ng Panginoong Jesus. AMEN.

Sunday, February 13, 2011

Siya (at ikaw)

Malala ang problema
intanggi na mauulit pa
Nais makapiling sya.

Nagugulo ang utak
Sa libangan ibatak
Diskarteng nawasak

Parang nasa langit
Nakapling sya at bakit
Sa huli kaypait.

Lumigwak sa pagnanasa
Linlang ang pag-asa
Hapdi ang nalikha

Hindi man matanggap
Balewala pa lahat
Sa kanya ang lahat

Inakala ayaw niya
Di nais ang iba
Galaw na may duda

Sandali ay lipas
Yun din ang pag-iwas
Siya rin ang aangas

Naiwan ang pasya
Di malinaw ang kwenta
Di mababasa

Malabo ang takda
Di ba mapapala
Pangako nawawala

Ngunit sya ang tangi
Sa akin ay wagi
Sa kanya ako palagi

lulong ang sarili
bahagya man muhi
sa kanya ang papuri

batid ang kahihiyan
unawain mo naman
pagbigyan mo na lang

Tama na adyan ka
sa tabi ko at kasama
Diyan ka lang ayos na.

Friday, February 4, 2011

Bisyo

Bisyo

Asal bumaluktot
Wangis kukulubot
Suliranin masalimout
Sa saloy ng tugtugan
Ang ibig ay kwentuhan
Sa maghapon inuman
Panay kalokohan
wari ay naiinip
ramdam na masikip
humanap ng kosa
lilimot sa problema
pero wala pa sila
wala na bang iba
pwede kahit sino
magsama-sama kayo
nagtataka sa asal
balisa walang aral
kaso ay hahayaan
mag-iiyak iyakan
walang mapuntahan
kulang sa pakinabang
maglinis-linisan
mayamaya lilisan
pero malala ka na
sa libangan adik na
sa libingan malapit na
damay damay ka pa
tuloy sa paglagok
pati mata umuusok
baliktad ang bituka
haling na sikmura
di na maisip-isip
hilig lumalakip
sa patalim daw kumapit
ngipin nagngangalit
humanap ng aliw
hunghang na at baliw
yabang ang pulatan
bida sa kalokohan
bihasa sa kagaguhan
lulong sa kamunduhan
wala na ang baraha
walapati ang pera
pero dahil sugapa
kaluluwa itataya...
malisyang katawan
nahayok sa laman
sagad sa lalamunan
sakit sa kalamnan
tapos na ang isa
sige sige pa
maga sinapupunan
ayaw tantanan
dinugo na konsensya
tuloy ang molestya
tuloy ang ligaya
sinaid ang kaselanan
manhid sa kasalanan.
di naman sa iyo
kinukuha mo
nahiram mo lang
wala na balikan
pera ng madla
di nila matikman
nakawan harapan
bulgar na sabwatan
uhaw na kawatan
sa pera kawatan.