Sa aming bario noon hanggang ngayon ay hindi nagbago ang kalagayan sa buhay at ikanabubuhay. Pangunahin dito ang pagsasaka ng palay, karaniwan nang dalawang beses sa isang taon kung makaaani kung tawagin ay "main crop" kung panahon ng tag-ulan, "second crop" naman kung panahon ng tag-araw. Walang pinagkaibaang dalawa maliban lang sa kailangan mo ng de-makinang patubig kung panahon ng tag-araw. Sa isang Hectaya karaniwan ng mula 100-160 ang inaani depende kung maganda ang palay. Ininbilad muna ang palay para matuyo bago ito ibenta sa bayan para maging pera. pambayad sa utang ay itinatabi na, at maglalaan lamang ng sapat na bilang ng kinaban para ipagiling at maging bigas para pagkain hanggng sa dumating muli ang panahon ng anihan sa kasunod na sakahan. Meron din naipupundar mula sa kinita, sari-saring kagamitan pero hindi sapat para sa mas marangya at mamahaling kagamitan. Ang iba sa kinita ay sa pag-aaral ng mga bata, sa mga gagamiting abono at gamot ng palay na inilalaan sa susunod na sakahan.
Kailangan meron sariling lupa na sasakahin.
Pwedeng minana ba ito o nakikipagtrabaho ka lang.
Patubigan ang lupain, habang ginagawa ito dapat nagtatabas na rin ng damo sa mga pilapil.
Pag malambot na ang lupa pwede na ito araruhin, basagin kinabukasan, halangin at linangin pagkalipas ng mga ilang araw depende basta mamatay ang mga damo.
Ipabunot na ang punla na itatanim sa bukid.
Maglagay ng abono sa kapanahunan, gamot para sa insekto at mga damo kung meron.
Maghintay 3 at kalahating buwan ang anihan.
Ipagapas ang palay. (may bayad yan)
Ibilad ang palay. ( may upa rin)
Ibenta ang palay.
Paikot -ikot lang yan walang nababago at mabagal ang asenso dahil napakaliit lang ng kinikita at totoong napakahirap ng humawak ng putik para gawing pera at pagkain.
Ibilad ang palay. ( may upa rin)
Ibenta ang palay.
Paikot -ikot lang yan walang nababago at mabagal ang asenso dahil napakaliit lang ng kinikita at totoong napakahirap ng humawak ng putik para gawing pera at pagkain.
Sa mga taon na darating at lilipas ay pauli-ulit na gagawin ito ng isang magsasaka at hanggang sa mga oras na ito naroon pa rin sila walang sawa sa pagbungkal ng lupa, sa pag-aani ng mga butil na syang kakainin natin sa araw-araw.
Hindi ko nabanggit na hahaba ang kwento kung may bagyo at hunos...
No comments:
Post a Comment