Sunday, October 25, 2009

Araw-araw

8 am usaually ang gising ko- pagkabangon deretso ako agad ng banyo saka magbibihis.. tapos magbubukas na ko ng tindahan sabay na rin ang intenet shop, sa labas nagwawalis naman si lyn ng mga kalat ako naman d2 sa loob naglalagay ng softdriks habang naghihintay ng mga bumibili at kung meron mag-iinternet. mga bandang 9:00 am pagpasok ni Lyn dito sa loob ako punta na ng kusina para magluto ng ulam at magsaing para may makain almusal si Sharlah na papasok pa sa school. Habang nagluluto yun meron pang sulpot-sulpot na celfone numbers na ibibigay sa akin si Lyn para i-load ko, kaya sa preparation ng lulutuing ulam hindi rin agad natatapos. So kung matapos na ko magluto ng ulam at kanin... una kong bibigyan ng pagkain ang asawa ko si Michelle na nasa 2nd floor- buntis kasi sya at maselan kailangan nya bedrest muna kaya yun daily ang servings ko sa kanya 3x. Then kakain na rin Si Lyn at ang si Weanne na anak nya 3 yrs old. So around 10 O' clock akyat uli ko sa taas para gisingin naman si Sharlah para kumain at pagkatapos paliliguan ko na bago magbihis papasok sa school. Bago mag 12:00 ng tanghali.. iiwanan ko muna ang shop dapat naihatid ko na sya sa Adventus para hindi sya mahuli sa mga klase ng Grade one.. Pag-uwi ko ng bahay pwede na ko mag-almusal.
Around 2 pm medyo pahinga ng konti bukod sa meron akong binabantayan na internet shop, kailngan naman magtanggal akong mga basyo ng softdrinks para ilipat ko sa kabilang bahay para hindi nakahambalang at para mapalitan ko ng may mga laman tapos tulungan ko rin si lyn na maglagay sa chiller. Magluluto uli ko ng para sa late lunch... as usual unahin ko uli asawa ko bago itong mag-ina na kasama ko para kumain then ako nanaman... 4 pm yan marami na ang umuuwing estudyante marami na ang bata na nagpupunta d2 para maglaro at mag-internet usually napupuno itong 17 PC ng ganoong peak hours ( 4-8pm daily). Pagdating ng alas singko kailangan naman sunduin ko na si sharlah sa eskwelahan. Pagdating namin d2 sa bahay yan marami na naghihintay sa akin para magpa-print yun iba naman magpa-download ng MP3 o depende sa kailangan nila.
7 pm ng gabi luto uli then around past 8pm ng gabi marami pa rin ang tao d2 nakabantay lang ako sa server konting nood sa youtube, check ng email at iba pa. 10:00 pm magsasara na ko ng tindahan, pero ang shop kung sino ang maiwan ok lang kahit nakasara na basta nasa loob lang sila ako naman hintay ko lang sila matapos until 12 Midnight.
Gawa pa ko ng yelo mga 200 piraso para mapuno ang 2 freezer.
Ligo muna bago matulog..
Konting panood ng Tv
Bandila.
2 Am matutulog na ko.

No comments:

Post a Comment