Maraming taon na rin ang lumipas matapos ang High school, marami na ang nabago, ang naging karanasan at natutuhan, nandyan din ang kabiguan at tagumpay sa magkakaibang larangan, naging masaya at malungkot sa mga madidilim at maliwang na sandali ng di mawaring kinasadlakan. Kung babalikan ang mga ito... tyak na ang inaasahan na daratnan ay ang kung ano ang naiwanan na pinakanatatandaan na sandali... lasapin muli ang sigla na dulot ng kamusmusan, mamasdan muli ang mga bagay- ang mga lugar na minsan na ring kinahumalingan, makipagsalamuha sa mga dating nakilala noon.
May kurot sa puso sa twing' matatalastas na ang katotohanang katulad nito ay tuluyan nang nawala ... Sariwa pa nga sa isip at hinagap- laging nagbabalik ang dating makukulay na pangarap noong naroon pa sa kabataan. Ngayon mata mang isipin... wala na! tapos na! nagbago na ang pananaw, naiba na ang tono ng sigaw- kung sa nakalipas ay laging saya ng hatid... ngayon ay tuliro sa paghagip sa mga pagkakataong makahabol sa unlad na dulot ng pagbago ng kaalaman at antas ng kabuhayan. Maayos naman kung sa pinansyal ang pag-uusapan, wala naman dapat masisi kung hindi maligaya sa ano man sa ngayon... may mga ala-ala lamang na kung bakit ngayon ay kusang nagbalik at kulang na lang ay bumulaga sa harapan- nanunukso at waring nagpaparamdam. Sagutin ng isang buntong hininga at sambitlain ang mga katagang nasa isipan" Bakit hindi nabigyan ng pagkakataon noon, Bakit ngayon, bakit ngayon lang?"
Nasa taas na kung tutuusin, masaya na naman...Hintay na lang uli na lumipas ang ganon din kahabang panahon.. tingnan kung ano pagkakaiba ng Noon, Ngayon, at bukas makalawa.
Nasa taas na kung tutuusin, masaya na naman...Hintay na lang uli na lumipas ang ganon din kahabang panahon.. tingnan kung ano pagkakaiba ng Noon, Ngayon, at bukas makalawa.
No comments:
Post a Comment