Monday, December 13, 2010

Nahihirapan na ko!

Pero hindi ako pwede sumuko, di pwedeng malaman na pagod na ko! kailangan kong pangatawanan kung ano man ang sitwasyon ko, namin! Pagod na rin pakiramdam ngunit di ko pwedeng isuko at ipahalata na nanghihina na ang katawan, kaysarap dumaing pero kayhirap tanggapin na walang nakikinig dahil ako, ako dapat ang dinadaingan. Maraming beses gutom na ang inaabot pero kailnangan matiis para magtagal pa, sa konting ipon na pera mairaraos din ang pamilya sa bawat taon na lilipas ay magsisilakihan din sila.... Pagod na ko! pahingi ng tulong kahit pabulong lang! Kung me nakakarinig salamat sa oras na nabasa man lang ang bigat na ramdam ko sa mga oras na ito, Kailangan ko ng kahit konting pahinga pero bawal pa dahil marami pang dapat paglaanan ng oras at pera na kikitain pa lang sa maghapong paghahanapbuhay na walang pingkaiba kahapon at sa mga araw na nauna nang lumipas at sa bukas pang darating....
Pagod na ko!