Saturday, October 24, 2009

Mainit ba ang dugo?

Sa iba-ibang paraan
meron kani-kaniyang style
ng pagpaparamdam
ng pagkagusto at pagkainis
sa tao o hayop,
lugar at bagay,
hugis at anyo,
sukat at kulay
ng nakikita man o naririnig
o kaya sa kung akma sa panlasa
kung mabango ba
o hindi makain
dahil mapait at sobrang asim.

Paano uuriin ang materyal
kung meron syang dahilan
para angkinin,
ang isang salita dapat bang gamitin
para ipahayag
iba-ibang saloobin...
namnamin dakilang payo
na di' mo alam
kung kanino naggaling.

Saan ba paparating
ang isang mensahe na
walang laman at ibig sabihin?...
mabasa kaya ito
ng kinauukulan na laging nagkukulang?
Mag-ukol ka ng pansin
at kahit konti
subukan mong alamin
ang nais ipabatid ay para sa iyo rin.

Nasubukan mo na ba
mag-ulam ng hindi mo gusto?
Nagalit ka ba sa nagluto?
Try mo lang din
meron ibang sangkap
baka naman akala mo hindi masarap!
Minsan kasi sa buhay-
hindi mo handang tanggapin
ngayon ang nasa harap
dehins mo malasap.

At nagmalaki ka pa!
Hindi ka man nagsasawa
sa mga dati mo nang ginagawa
e baka naman makabubuting
dagdagan ng sabaw para
magkasya sa lahat masaya!...
mas maganda di' ba
ihahain mo ng mainit-init pa?!

Akaalin mo sa kabila pala
ng mga kapalpakan
kahit matagal, daming nakapila
ng maiinam na idea
para likutin ang giya
ng bangka na pumapalaot na
bilang ay iilang
salusalungat na sumasagwan.

Madalas nakakatulong din ang hunos at bagyo-
pagkatapos manalasa... yun dumarami ang nagkukusa.
Ang iba nagluluksa

ang bugso ng pagdamay
reaksyon ng galit, awa.
alab ng pagbibigay katwiran
sa mga dahilan
dahil sa liyab ng puso mo
malaya sa pagpili kung ano
ano ang pasya..
ano ang ibig sabihin...
Ng mainit mo bang dugo?




No comments:

Post a Comment