Maliit lang itong lababo na pinapagawa ko pero hanggang ngayon hindi pa rin tapos 4 days na sigurado bukas nyan babalikan pa nila ito. Ok lang sana kung talagang mahirap ang trabaho pero sa tingin ko kumpara sa ibang pinagawa ko di hamak na madali lang ito... ewan ko mukhang nagkamali ko ng tao na magtatrabaho dahil hindi naman talaga skilled tong mga mama... di naman sa tinatawaran ko ang kakayahan nila pero parang nakakinip na marinig yun kwentuhan nila, bilang na bilang ang kilos at parang patatagalin pa ito ng 6 days.. iniisip ko na lang na tinutulungan ko sila kumita... nagtataka lang ako bakit parang hindi sila nahihiya sa ganoong klase ng trabaho.. . ako naman kahit pano naranasan ko rin makipagtrabaho sa government man o private- at 100%, no undertime at masaya employer sa outcome ng trabaho ko.
Paano ang pag-asenso nila nyan kung hindi nila ma-police ang sarili nila...marami lang ang oras na nasayang sa mga trabahong tinanggap na nila.... Sana dumating ang panahon na mabawasan ng bilang ang mga taong ganito. I wonder if gaano sila karami sa Pilipinas? Gaano na karami ang nagawa nilang lababo?
No comments:
Post a Comment