Friday, November 6, 2009

Sa iyo aking Tatay!

Itay sa iyo ang tulang ito
mababaw man ito'y ginawa ko
mula sa puso, inisip ko din ito
sapilitan na to! Sana basahin mo!

Ikaw Itay ang Idol ko
sa akin ikaw ay guro
sa mundo nating magulo
gaya mo hindi susuko


Mga mali ko'y itunuwid
mga tama'y pinabatid
sa tamang daan nahatid
biyayang walang patid


Payo mo'y sinunod ko
lumakad sa 'yong turo
kung ano ang sabi mo
siyang ginawa ko

Saan man ang mapadparan
di' ko kakaligtaan
Gintong pamanang kinagisnan
Marapat kong tularan

Sa lakas ng bisig mo
napag-aral mo ako
lahat ay napangyari mo
sa pawis at sakripisyo

Dapat kong ipamalita
sa gawa at salita
dugong dumadaloy sa'kin
sa iyo nanggagaling.


Itay mabuhay ka!
pinagmamlaki kita
dito ko masaya
pag' kasakasama ka!




No comments:

Post a Comment