Kung sa ano't-ano man meron ngang dahilan
marami iba dyan, iba-aba ang pinanggalingan
heto nagsisiksikan kahit bumabaha minsan
basta dito sa siyudad nakikipagsapalaran.
Hapdi ng sikmura, sakit ng tyan
laging kumakalam laging walang laman
damay ang utak wala ng nalalaman
walang nasa isip kundi tsibugan.
Salat sa pera at yaman, walang mahiraman
walang naaawa, wala kahit isa lang
kalat-kalat sa daan kung may madedeskartihan
baka sa lunos nila siya'y mahatian.
Manghingi man ng limos, di sapat na panggastos
maambunan man ng barya, kulang pa sa kanya
paano na ang iba na kasa-kasama nila
gutom na sa pagod na kagaya rin niya.
Di' na makapag-isip, kahit saan kakapit
hindi lang sa patalim, hindi dahil sa gipit.
kahit dagat na malalim kanyang sisirin
dahil ang kalakal sa ilalim naipagbibili rin.
Kalkal ng sobra-sobra, halukay ng basura
hanap ng dyaryo, dampot ng garapa
pagkaing tira-tira pinapagpagpag pa
hugas ok na, presto! may pagkain sila!
Dahil ba sa pagkalam, nagtatangatangan?
dahil ba sa sakit, kahit kanino lalapit?
sa hilahil ng kinasadlakan, hindi ba nangangawit
sa hapdi ng kalamnan laging nabubwisit.
Magtiis man o magtiyaga, matatapos pa ba?

hanggang sa pagtanda, kaya pa ba nya?
kung magkapamilya man ano ang pamana?
ang ligalig at dusa na taglay-taglay nya?
Ang gutom pag hinayaan, daig ang cancer nyan
kahit na mayaman, tinabalan din naman
kaya kung mabusog minsan, samantalahin na yan
pakaisipin kung paano, kailan ang pag-asenso?
Ang gutom pag hinayaan, daig ang cancer nyan
kahit na mayaman, tinabalan din naman
kaya kung mabusog minsan, samantalahin na yan
pakaisipin kung paano, kailan ang pag-asenso?
No comments:
Post a Comment