Sunday, November 1, 2009

HAPPY BIRTHDAY ANAK!!!


Sa araw ito aking anak
Araw na ikaw ay maipanganak
Buhay at kinabukasan sa amin nakalagak
sa iyong Inay at sa akin , kami nagagalak


Tunay na ikaw ay biyaya sa amin ipinagkaloob
Twina'y sigla't saya sa iyo ay huhubog
Ibibigay ang lahat sa iyo ihahandog
mula pagsikat ng araw hanggang sa lumubog


Kung mayroon kang sakit hindi makatulog
Ang damdamin ng puso lagi kumakabog
Hindi mapakali , tuhod nangagatog
Hinagpis sa dibdib na parang sasabog


May tampo ka anak ko, di' mapagbigyan minsan
Yan ay disiplina at para sa iyo din naman
Kahit musmos pa ang isipan sana maunawan
Ang di' tama at bawal iyong maintindihan


Sa iyong paglaki anak ko, lagi dinadalangin
Ikaw ay pagpalain sa ano mang gagawin
Magsikhay magtyaga ano man ang sagupain
Tagumpay sa larangan ng iyong hangarin


Patuloy kitang kakalingain ano man ang dumating
Itataya ang buhay panganib susunguin
Matiyak ko na ligtas ka kahit sa suliranin
Madamayan ka anak, ika'y yayakapin


Ingatan mo ang iyong sarili aking anak
Sa ligalig sa dusa, lungkot man o sa galak
Sa turo at aral ko doon ka manghawak
Ayaw ko kinabukasan, kinabukasan mawasak!


Pag, kami wala na anak magtumibay ka
Wag' kang malumbay kung kami ay maalala
Tibay ng kalooban sa iyo ay pamana
Gamitin mo sa sandali na ika'y nangungulila!


Happy Birthday anak ko! yan ang Bati ko!
Simle man at di garbo ang araw na ito
Bayaan mo masabi laman ng damdamin ko
Mahal na mahal ka namin, namin ng Mommy mo!













No comments:

Post a Comment