Friday, November 6, 2009

Gumawa ng Pag-asa



Sa paglabas ba ng tahanan saan ang punta mo?
Didiskarte ka ba o magtatrabaho?
wag' lang magpalaboy-laboy magbanat ng buto.
wag' laging barkada umiwas sa bisyo.



Sa pag uwi ng bahay, tama pagod ka!
Pero sa mga bata meron bang dala?
Nakapagtabi ba kahit sa panghapunan?
Sana sa pagtulog pakiramdam ay busog.



Sa araw at gabi na meron bang nababago?
Sa landas na tinatahak halata na ang dulo?
Batid mo na mahirap wala kang pag-asa.
Sa kaibigan sa kapamilya kabisado ka na.



Hindi ka ba nangangawit sa makipot at masikip?
Nasanay na ba ang ilong kung saan sumisilong?
makapal na ang balat hindi sumasapat.
kati ng tubig at usok, kapal ng alikabok.



Paano tatanungin sa sarili kung kailan yayaman?
Paano sasabihin sa iyong anak kung nasaan ang paaralan?
Ano ba ang pakiramdam kung suot ay mamahalin?
At ano ang lasa ng masarap na pagkain?



May balak ka bang mag-ahon ng sarili sa dusa?
kailan ang tamang araw hindi ba ngayon na?
Ang pagtingin lang sa langit ay walang kwenta.
Kung walang sipag at tiyaga at walang paggawa!



Wag' ka lang basta umupo, kilos ka agad pare ko!
hindi lalapit ang biyaya, hindi magmimilagro
Hindi malaglag ang bayabas, ikaw ang pipitas
Tatamatamad ka ba, Juan hanggang wakas?



Mga pulitiko dyan ngayon-ngayon lang yan
dika' pababayaan hangga't may halalan.
Ibang usapan na yan pag' sila'y nanungkulan
Sa dami ng pinangakuan isa ka sa nalimutan.



Nasa Dios ang awa diba? Yan ang sabi nila?
yan ang batid ng marami, sa kanila kumampi.
wag' lang magkukulang sa pagtawag kay "BRO"
Sa habag at kalinga Nya' ika'y aasenso.























No comments:

Post a Comment