Kung magdala tama lang
minsan naman kulang
hindi sumosobra
laging kasyang-kasya
Hindi nagmemeryenda
ang ulam ay tinapa
may kanin lamig pa
makararaos na
Dukutin ang bulsa
merong barya-barya
pambili sa bangketa
gamit galing Tsina
Damit ay kupas
luma ang tsinelas
sapatos nakangisi
medyas may tagpi
Sabon na pampaligo
bareta hindi shampoo
ang para sa labada
ok na kuskos kula
Laging nagtatabi
wala kang masabi
may pera syang pirmi
lalo na sa emergensi
Ginagamit ang dunong
buhay ay susulong
kung ikaw ay marunong
walang butas ang bubong
Sa ligalig ay handa
unos man bumulaga
di maubos ang biyaya
naipon niya sa tyaga
Sa sinop sa salapi
budget hati-hati
pag' anak nanghingi
mayrong ngiti sa pingi.
Walang masama sa matipid
kung kabutihan ang hatid
saya'y walang patid
ginhawa'y nababatid
Masabi mang maramot
wag' kang pasisimot
mas mabuti nang kuripot
kaysa sa umaamot
Mag-ingat nga lang minsan
sa sobrang kakuriputan
'wag maging gahaman
para sa Dios ay maglaan.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment