Wednesday, June 30, 2010

May Amats ang Tagumpay

May Amats ang Tagumpay

Nagsimula at wala pang kamalayan

Sa blanko at di masilayan

Maaninag man at di mapagmasdan

Mithiin sa kinabukasan ay patlang-patlang.

 

Gulanit pa ang hinagap na pumapalaot

Payak na saloobin at hindi masalimuot

Bahagya sa bahagyana madalang sumangkot

Pagtatalo-talo madaling makabagot.

 

Laksa-laksa ang napapanaginipan

Bumubulwak sa isip-isipan

Kaydami-daming kaparaanan

Nanunuksong ipagdiinan

 

 

Itinulak, ipinilt ng kaganapan

Lumusong, humarap sa karumihan

Pag-asang ahunin sa kaputikan

Ang kapwa mamamayan sa kabulukan

 

Umiisip sa maliliit

Lahat lahat na lumalapit

Madudungis na kapit-kapit

Bisig na kabit-kabit

 

Umaaklas noon dati pa?

Animoy tigib ng problema

Pero ngayona ay alsa-alsa

Sumisiwalat ang pag-asa

 

Pangkalahatan ngayon ikaw na nga

Tapos na  ang pagbubunganga

Haharap, manunumpa sa madla

Mahirap, mayaman ba hahanga?

 

Ipagbunyi mo nga ang tagumpay

Sa api at maliit ba iniaaalay

Peligro sa sakit magbabantay

Saklolo sa gipit ibibigay

Wala na bang mangungulimbat

Sa gobyerno mo maaawat

Sakit na red tape maaampat

Ngayon at din a magluluwat

 

Alalahanin mo silang me-edad

Marami na saan kaya pumadpad

Karapatan ba nilay bibigyang habag

Pangangailangan iyong ilalapag

 

O sila namang musmos pa?

O ano ang para sa kanila?

Sapat na ba ang tamang edukasyon?

Sa Utak na maliit iyong ibabaon!

 

Igiya mo kami ng matuwid

Sa tamang daan ay ihatid

Pilipinas na nailigaw

Alisin mo sa magnanakaw…

 

Mga pinagkakakitaan

Opo mahalaga yan

Iyo sanang pagtuunan

Sa banyaga makalaban

 

Sa aming nasa ibang bayan

Isang araw mag-uuwian

Sana aming maabutan

Tahanang matutulugan

 

Kaming basura lang ang yaman

May dako ang hinahalukayan

Biyayang natatabunan

Makakamit kaya? Nang hindi narururihan…

 

Wag na sanang maulit ang bangkang papel

Kalilangang totoo ay lapis at papel

Pero wala sanang pumapapel

I am making an objection, I am making an appeal…

 

Ito’y ilan lamang

Daratnan mong kamalasan?

Kaya ba itong maibsan

Ngayon ito’y mawakasan?

 

Piliin mong mabuti ang pagtitiwala

Mag-uudyok at magpapanukala

Pangsarili ba ito, ito ba ay pang-madla

Bayan muna, bayan muna bago ang masisiba..

 

Baka gamitin ka ng kaibigan

Ikaw ang ipagsangkalan

Sa gawaing kabuktutan

Huwag payagang magpayagpagan

 

Suriin mo ang mga desisyon

 Nakalipas na mali maging leksion

Wag papabor sa anti-constitution

Listen to POOR’s suggestion

 

Wag mo po kami biguin

Maganda po an gaming layunin

Sa iyo aming pong hiling

Kami ay paginhawain…

 

 

No comments:

Post a Comment