Thursday, April 1, 2010

Ang kwintas kong putik


Wala akong tinutuluyan, dyan lang ako sa tabi-tabi kung saan abutin ng dilim yun na ang bahay ko, madalas sa ibang lugar na ko gigising, wala din akong kubeta, tabo...Wala na rin akong nanay, yun tatay ko mas buwang pa sa akin ayun minsan nakakAsalubong ko kaagaw ko pa sa basura nag-aaway  kami... yun maghapon di  alam ang ibig sabihin- ng oras maliban lang sa almusal sa umaga, tanghali at gabi, almusal lang lahat ang tawag ko dun... sanay na ko sa gutom, lapnos na rin ang paa ko sa kakalakad di ko nga alam kung nasan ako ngayon, importante lang may laman kahit panis ang aking tiyan...meron akong mga kaibigan pero kaaway ko din sila depende sa nadeskarte kung hati-hati ba o lamangan na lang, bata pa ko di' ko  lang alam kung ilan taon na pero sabi nila mukha na ko 30anyos tama kaya sila o batang isip lang at sinisiraan nila ako...wala akong kilalang pangalan sa mukha lang, pero sa boses alam ko kung ano ang mukha nya pero di ko alam kung sino sya...meron din aking mga gamit at yun nakapahiram sa totoong may-ari saka ko na kukuhanin pag' natyempuahn ko sila...
Dami ko pagkatao pwede mo sabihin masama akong kaaway at masama rin akong kaibigan... ewan sabi nila wala talagang tunay na kasama kahit saan lugar ang mukha ng tao iba-iba, masuerte sila na nasa ibabaw lang hindi sila nahihirapan, di gaya ko na talagang ni pangarap may bayad, eh pano nga eh hirap din akong mag-isip, pero nakakapagsulat ako hanggan ten... kulay ng pera alam ko pero di ko alam gastusin, bigyan mo ko ngayon ipapalit ko lang ng makakain-sa akin lang yun. 
Walang tumatanggap sa akin kahit gusto ko magtrabaho, mas mabaho pa ko sa kanal pero eto ang trip ko kahit maginaw hindi tumatalab sa akin, sa init naman para kang nakakapote di ko nababasa sa ulan kahit sobrang lakas pa nyan...
Tulad ng kwento ko parang wala na talaga ko patutunguhan, dami rin naawa pero kasalanan ko din mas tamad pa ko tatay ko puro lamon lang ang laman ng tutok ko... di na ako humihingi ng tulong ok na ko sa lagay na to'... kung pwede ko nga lang paglamayan ang sarili kong burol gagawin ko para sa abuloy sayang din may pambiling pagkain sa kabilang buhay, kung impyerno ang dako baka pwedeng magnakaw na lang dami naman siguro tanga don'... 
May sarili akong batas, at ito ay ginawa ko lang kanina pero nakalimutan ko  kaya mula ngayon wala akong sinusunod nilalabag ko kahit sarili kong desisyon, ok lang wala naman nakakita... buti na minsan nalalamangan ko sarili ko aba sayang naman wala na libre ngayon...Oh sino ang papatol magdahilan kayo kasi di sila uubra sa akin mayabang to hoy meron din naman akong ere, sa nadanas kong mga kalokohan eh kahit si Villar matatakot maghirap.
Sabi ko sa mga bata na medyo hawig ko, yan me sampol na kayo di na kayo mahihirapan manggaya libre lang malapit lang at kita nyo naman may libag-libag pa....Likayo pagmasdan ninyo dami kong katulad dito kala mo ba, magsasawa ka iisa lang ang likaw ng gutom na bituka namin pag naintindihan mo ko walang palso parang nakilalala mo na rin yun nandun sa kabilang kanto, kanya kanyang teritoryo yan, pero sabi ko nga ako lang ang sinusunod ko kaya madalas may saksak ako sa tagiliran buti me anting -anting yata ako sila ang napapatay , tatlo na yata nadale hinahanap nila ko para makagante, ngayon di naman ako nagtatago wala naman nanghuhuli sa akin, ewan lang baka ibang lugar na to...
Minsan naman sana baka masalubong nyo ko sa daan ingat nalang mga bro wala akong pinilipili malas mo lang pag ikaw ang natapat sa pangangailangan ko pero dont wori pre at mare pagkain lang talaga ang habol ko kaya pag sinabi ko pera o puri? wag nyo bibigay ang puri di naman nakakbusog yan...
Di ko takot mamatay tutal marami pa kong kapalit pag alis ko kung di man dito dami pang mga magulang dyan na handang iwan ang mga anak sa lansangan para magmukhang kaawa-awa, payat gaya namin lahi-lahi yan eh magkakamag-anak yata ang mga taong uling...
Dami dumaan na bagyo pati si Ondoy di rin kami sinanto, yun pogi pala ko pag nahuhugasan, pero ang pagkatao nasa loob lang hindi nalinisan, hindi ko inaamin pero parang masarap din ang pakiramdam, kung di pa bumaha eh di pa ko nakaranas ng paligo... Buti nga sa akin eh minsan lang naman sa ilan taon beter lak neks yir  na lang kung aabutin ng bagyo yun lugar kung nasaan ako...
Marunong naman ako magdasal di ko lang alam tapusin pare-pareho lang naman yan nasa isip ko palagi bahala na magbasa yun nasa taas pero mahihirapan sya kasi lagi kong gumagalaw kaya siguro di nya alam kung ano ang ibibigay nya sa akin.
kahit sino di ko nasisi sa buhay ko, ok na sa akin to, kumakain ng di alam kung ilan beses sa maghapon, me natutulugan, me damit na maraming kwelyo, tipid ako sa tsinelas "bilt in" ika nga... mga kagamintan ko nagkalat lang sa daan akin lahat yan, isa lang ang hindi ko maiwan-iwan. Ito ang Kwintas kong putik lagi ay nasa aking leeg, kusa itong gumuguhit lalo na kung maalikabok at maiinit, kabisado ko na ang korte nyan sa palibot nakahulma yan, sa maghapon na hapo ang katawan andyan na lang yan, nawawala pero bumabalik din agad di ko na kailangan maghanap maya-maya lang andyan nanamaan... parang ito lang ang totoong akin ah?!...Ito lang ba ang aking yaman?!...

No comments:

Post a Comment