Paningoon Dios, nagbabalik po ang iyong alipin… Walang sawa akong humihingi ng tulong sa iyo, Patuloy kong inilalalpit ang kalagayan ng aking munting bunso, maawa ka po Ama sa kanya, ibsan ang paghihirap na kanyang nararanasan, ibigay mo na po ang kagalingan sa kanyang karamdaman. Ama nakikisuyo po ako sa iyo bilang kanyang ama, lumalapit po ako ng taimtim sa iyo taglay ko ang pananampalataya na ikaw ang dakilang mangagamot na magbibibgay lunas sa kalagayan ng aking anak. Malunos ka na po Ama, naglalambing ako sa iyo Ama na sana kung maari dalawain mo ang aking anak, tunghayan mo po siya at haplusin mo ng iyong mapagpalang kamay, yakapin mo po ng mahigpit upang madama niya ang pagmamahal na hindi pa namin naipamamalas ng sa kanya… Amang Dios Paulit-ulit ko pong makikiusap sa iyo- Iregalo mo na po sa amin ang buhay niya. Nangangako naman po ako na ako’y magbabagong buhay at hindi tatalikod sa iyo, palalakihin ko po siyang mananamplataya, may banal na takot sa iyo at makakasama namin na ipagpapatuloy ang pagpupuri sa iyong banal na pangalan. Nagkasala po at nagkulang ako sa iyo, Ama huwag pong madamay ang aking anak sa parusa na ako dapat ang magpasan, Oh Dios na nasa langit kinikilala ko po ang aking mga pagsalansang, maawa ka po na patawarin mo na ako sa lahat ng aking pagkukulang, upang mawala na po ang mga hadlang sa masigla ko ng pagpupuri sa iyong dakilang pangalan… Panginoong Jesus, ikaw po ang luklukan ng biyaya at awa, ikaw po ang pinakamalapit sa ating Ama. Maawa ka po na ipamagitan mo ang ang aking mga dalangin sa kanya. Panginoon sabihin mo po sa Ama Ang aking mga kahilingan, ang Buhay ng aking anak. Iligtas po ang aking Anak , maawa ka po Panginoon… Amang Dios Ang lahat po ng aking Daing ay aking sinsampalatayan ipagkakaloob mo sa akin, naway hindi po ako nakalalabag sa iyong kalooban. Idagadag mo po sa akin ang lakas ng loob at tibay ng pananampalataya, matagalan pa ang mga tiisin at mapagtagumpayan ko ang mga pagsubok pang darating… Ang lahat po Ama ay aking hinihiling sa pangalan po ng Panginoong Jesus. AMEN.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment