Tuesday, October 5, 2010

Ang Aking Kamusmusan

Ang kamusmusan ay ang sandaling wala pang kamalayan

Na ang daigdig ay pantay at walang lumalamang

Na ang kalawakan ay ang paligid na nilalaruan


Ang kamusmusan ay ang sandali na nasa panaginip

Na ang lahat sa paligid ay pawang lumulutang

Na ang bawat isa ay magkakaibigan


Ang kamusmusan ay ang sandaling ang buhay ay puno ng kulay

Na ang lumbay ay hindi kailanman kakaway

Na ang bawat labi ay may hatid na saya at ngiti habangbuhay


Ang kamusmusan ay ang mga sandaling dalisay ang pag-ibig

Na walang alalahanin saan man sa paligid

Kung saan ang kapayapaan ang naghaharing batid


Ang kamusmusan ko ay malaon nang naglaho

Luha sa mga mata patuloy at hindi hihinto-

Ala-ala sa isipan mga saya sa puso nakatimo.

Ngunit ang kamusmusan sa diwa ay hindi na maigugupo!!!


Hango sa “ My Childhood”

unknown author-Thanks