
Kwento ko lang dates not specified.
Si Michelle...asawa ko She is more than Three months pregnant at syempre masaya kami pati ni Sharlah na panganay namin. Vomitting sa umaga normal lang diba? Tapos hilo at kung ano-ano pa... Pero lately bakit mabilis syang mapagod at laging masakit ang baywang, likod, puson na parang laging may nahuhulog. We decided na First Check pa lang naman at yun na-diagnose na meron syang cyst pero maalis din after birth ng baby- meron na mga bawal dumami na lalo noong 2nd Check up kasi nagka-fever sya at yun meron mayoma nakita sa kanya... and after ng diabetes test nag -pasitive din sya. Parang lumala ang lagay ng asawa ko buti na lang lumiit na daw ang cyst na nakita nung 1st check-up at pawala na. At the momment ako lahat ang gumagalaw sa bahay at sa Shop at sa store dahil bawal mapagod ang kumander... Hatid sundo kay Sharlah sa School, ako din ang nagluluto ng lahat para sa amin at para sa kasama namin sa bahay na pinsan ko -sya na lang tumatao sa store.. mabilisan kasi hindi nila kaya kung sila ang gagalaw... Gulay lang ang karamihan na pwede kainin ni misis.. prutas naman dami din di pwede lalo kung matamis, tubig at sabaw ng buko ang pwedeng inumin... ngayon ko nararamdaman ang hirap ng maging nanay.. kaya ko pa sa ngayon ang nangyayari pero ang takot ko ay malapit ng dumating...pano kung wala akong kasama sa araw na manganak na sya? Ngayon pa lang nag-iipon na ko ng sapat na pera para sa malaking gastusin tiyak yun.. Prayers makes me calm pero tao lang tayo laging kinakabahan... Im hoping for the best... HELP US LORD!
